|
|---|
Thursday, April 3, 2008
Posted by
st
at
8:10 AM
Author's Note:This is my talumpati for my Filip11 class. It still has no title cuz I can't think of a good one. So if any of you readers out there have a good title, just let me know. K? Thanks much! :)
Here it goes...
Minsan, sa kagustuhan nating mahanap ang taong mamahalin natin, nakakalimutan nating bigyan ng halaga ang mga taong nagmamahal sa atin. Nakakaligtaan na natin ang mga magagandang bagay dahil hinahayaan natin ang ating sarili na gawin ang mga bagay na gusto natin. Piliin mo ang taong nagpapakita na mahal ka niya kesa sa taong nagsasabing mahal ka niya sapagkat matatamo mo ang tunay na kaligayahan sa taong mas magmamahal sayo kesa sa taong gusto mo.
Ang mga taong tunay na nagmamahalan ay may kakayahang mawalay sa kanilang minamahal sapat na para bigyan ito ng pagkakataong magbago ngunit hindi aabot sa punto na makakalimutan na nila ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. Binibigyan mo lamang siya ng laya na mahanap ang kaniyang kaligayahan ng hindi umaasa na siya’y babalik. Sa pagpapalaya, hindi lamang siya ang binibigyan mo ng pagkakataong lumigaya, kundi pati narin ang sarili mo upang mawala ang mga hinanakit at galit sa iyong puso.
Huwang mong hayaang pahinain at sakupin ka ng iyong hinanakit, imbes, hayaan mong bigyan ka nito ng sapat ng lakas para kayanin ito. Maaaring makahanap ka ng kapayapaan sa pagmamahal mula sa isang distansiya ng hindi umaasa ng kapalit. Pero kailangan mo paring mag-ingat dahil ito ay pansamantala lamang at hindi ito sapat para ipakita ang tunay mong nadarama. Lahat tayo ay makakaraos sa mga magagandang alaala ng nakaraan ngunit ang tunay na kapayapaan at kaligayahan ay makakamit lamang sa pagtanggap ng realidad.
Darating ang panahon sa ating buhay kung saan magkakaroon tayo ng pagkakataon na makakilala ng isang taong mabait at hindi nating maiiwasang maakit dito. Ang pakiramdam na ito ay magiging parte na ng ating buhay at hindi magtatagal, ito na nag magiging sentro ng bawat kilos at desisyon natin. Ang nakakalungkot na parte nito ay kapag napagtanto natin na ang taong iyon ay walang ibang nararamdaman para sa atin maliban sa pakikipag-kaibigan.
Hindi natin kailangang kalimutan ang mga taong minahal natin. Ang kailangan nating matutunan ay kung paano tanggapain ang realidad ng hindi kinakaawaan ang ating sarili. Mas mabuti pang ibigay mo ang pagmamahal na iyon sa taong mas karapat-dapat. Huwag mong hayaang patakbuhin ng puso mo ang iyong buhay, maging “sensible” ka at sundin mo ang kung ano sa tingin mo ang tama. Makinig ka hindi lamang sa nararamdaman mo ngunit pati narin sa mga rason at posibilidad.
Lagi mong tandaan na pag may nawala sa iyo ngayon, mayroong mas karapat-dapat na darating sa iyo bukas. Kapag nawala sa iyo ang pag-ibig, hindi ibig sabihin nun ay hindi ka marunong magmahal. Umiyak ka kung kailangan, ngunit siguraduhin mo na sa bawat patak ng iyong luha ay nawawala rin ang mga hinanakit na iniwan sa iyo ng nakaraan. Kalimutan mo ang kahapon dahil babalik din ang pag-ibig sa iyo. At kapag nangyari ito, humiling ka na sana ito ay maging wakas at pang-habang buhay.
Well...??? What do you guys think? I got high marks on that one.. Haha! Hope you like it :)
Anyway.. That's it for now.. Later days! Buy.

Don't forget to smile! :)
-XOXO-
-XOXO-
0 Comments:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)